Yun kuya ko at ate ko parehong may asawa na...
Ako ang bunso... Spoiled ako sa tatay ko,lahat ng gusto ko sinusunod...
Kapag di ko nakukuha yun gusto ko nagwawala ako (maldita hehehe)
Spoiled pati sa gawaing bahay,ayaw ako paglilinisin nun...
Mabait ang tatay ko,ang problema lang mahilig sya uminom...
Dun kami nagkakaproblema...
Minsan kasi halos tatlong araw syang sunod2x na umiinom..Ako ang taga sunod kung san pupunta si tatay..
Natatakot kasi akong may makaaway at mapahamak...
Hanggang magdalaga ako sunod pa rin ako ng sunod...
Tumunog cellphone ni tatay,hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin para basahin yun message sa cp ni tatay..
"hi,good morning" ang nabasa ko,inagaw ni tatay ang cp nya..
hindi ko alam pero kahit simpleng message lang nabasa ko kinutuban ako..
Nakabasa din si ate ng message sa cp ni tatay "oo alam ko naman wala akong halaga sayo ang mahalaga lang sayo pamilya mo,sino ba naman ako kundi kabit mo lang"
Nagduda na kaming may babae si tatay hanggang...
Nasundan nila ate at nanay si tatay na lasing at napatunayang may babae..
Pinuntahan namin yun babae ni tatay tinakot ko kunwari may dala akong asido hehehe....
Natigil na nun ang relasyon nila...
Nagkatrabaho si tatay sa tagaytay kasama ang kapatid ko na sumunod sa akin "diko" ang tawag ko..
Napikot ang diko ko dun...Nakapagasawa ng wala sa oras...
Nagtatarabaho ako nun saleslady...
Hindi ako nakapag-aral ng collage,dala ng kapos sa pera...
Dahil hindi na gaya ng dati ang trabaho ni tatay...
Sa ngayon nag-iipon ako ng pang-aral ko...
Sa di inaasahan nagulat ako isang araw nagpunta si nanay sa trabaho ko at may pinakilalang isang lalaki..
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko...
Sinabi ni nanay karelasyon nya...
Hindi ko alam kung ano sasabihin...
Hnidi ko alam kung gumaganti si nanay kay tatay....
Lumala ang problema.. ....
Na wrong send si nanay kay tatay ...
galit na galit si tatay nun hanggang sa umuwi,umalis sa amin si nanay...
Litong lito na ko kung ano nangyayari sa buhay namin...
Wala akong ninais kung di ang magkakasama lang kami ng pamilya ko at maging masaya....
Isang araw dumating ang nanay ng asawa ng diko ko..
Nagtaka ako dahil ngayon lang kami nagkabisita na dun pinatulog sa kwarto nila tatay...
Nahalata ko ng may relasyon sila ng tatay ko...
Dun nagsimula ang kalbaryo ko...
Siniraan ako sa tatay ko na,pinagdadabugan ko daw sila,binabastos daw...
Nito lang din nangyari na naglasing si tatay at pinagwalaan ako,galit n galit sa akin...
Nakarating sa nanay ko,sinugod ni nanay hanggang sa nagkagulo..
Pero ang kinampihan ni tatay yun kabit nya....
Naglayas ako at tumuloy muna sa ate ko..
Nagtxt si tatay "bunso umuwi ka na paaalisin ko na sila masaya ka na ba"
Pero hindi pa din ako umuwi nun nagpalipas ako ng sama ng loob...
Mga isang buwan umuwi ako,kami ni tatay lang nandun dahil yun diko ko umuwi sa tagaytay...
Ayaw na makipagbalikan ng nanay ko kay tatay
Pero ako umaasa pa din na magkakabalikan sila.......
Hanggang..
Nagpaalam sa akin si tatay na iuuwi nya na dun sa bahay namin yun babae nya,yun
Naaawa ako nun kay tatay dahil pag uwi nya galing sa trabaho,tuloy tuloy na sa kwarto bihira ko na makita na tumatawa si tatay...
Pumayag ako..nun dumating yun babae na yun sa bahay namin naging masaya si tatay...
para bang nagkakulay uli ang mundo nya...
naging mabait naman na yun babae hindi na ko ginagawan ng kwento.
Nag-stay in ako sa trabaho ko,umiiwas na din sa gulo.
Ayokong magkaproblema uli kami ng babae ni tatay dahil alam ko masasaktan si tatay..
Ngayon buntis na ang madrasta ko..
Si nanay din naman pumayag na dun na sila tumira sa bahay namin,dahil may iba na din syang kinakasama..
Nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit at anong dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin..
Yun lang naman ang ninanais ko...ang buo ang pamilya..
Hindi ko ninais ang yumaman,ninais ko lang na sama sama kaming pamilya at namumuhay ng masaya at tahimik..
Hindi ko nga din alam kung paano ko tatanggapain ang magiging kapatid ko sa labas...
"may mga bagay talagang hindi mo inaasahan na mangyayari"
No comments:
Post a Comment